Suwerte ang dala nina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez sa isa't isa kaya naman nag-uwi sila ng Php 500,000 bilang pinakabagong jackpot winners nitong Sabado, May 19.
Masayang Sabado na naman ang ating natunghayan kasama si Eugene Domingo.
Team Newly-weds sina Pancho Magno at Max Collins.
#RelationshipGoals naman ang mag-asawang Glydel Mercado at Tonton Gutierrez.
Naging palaban din sa laro ang young parents na sina Buboy Villar at Angillyn Gorens.
Alien!
Kasama nating muli bilang guest bluffer si Donita Nose.
Si Gabby Concepcion ay muli ring bumalik bilang star bluffer.
Simula na ng unang round!
Nagpagalingan sa pag-decorate ng kanilang bahay sina Donita Nose at Glydel.
Kilig! Ipinakita nina Gabby at Uge ang four stages sa panghaharana.
Competitive ang lahat sa round na 'Word War.'
Pasok sina Glydel at Tonton sa jackpot round! Maging mailap pa rin kaya ang Php 500,000 sa aktres?
Puno ng kumpyansang hinarap ng mag-asawa ang 'Tough 10.'
Congratulations! Napanalunan nila ang Php 500,000!