Get to know 'Centerstage' ultimate winner Vianna Ricafranca

Itinanghal na ang kauna-unahang 'Centerstage' ultimate winner ngayong Linggo, June 6.
Iyan ay walang iba kundi ang young social media celebrity ng Albay na si Vianna Ricafranca.
Siya ang ikatlong grand finalist ng 'Centerstage' na nakakuha ng tatlong rings matapos madepensahan ang kanyang titulo bilang 'Defending Bida' nang dalawang beses.
Bukod sa kanyang voice quality, pinuri rin ng 'Centerstage' judges na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos, at Mel Villena ang stage presence ni Vianna at ang kakayahan ng 12-year-old singer na ibahin ang areglo ng kanta na kanyang aawitin sa entablado.
Sa lahat ng 'Bida Kids' na sumali, umaangat ang talento ni Vianna kaya napasakanya ang 'Ultimate Centerstage.'
Kilalanin pa ang young Bicolana singer sa gallery na ito:








