TV

Alden Richards: 'Ibang fulfillment ang performing'

By Dianara Alegre

Ibinahagi ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang kakaibang fulfillment na kanyang naramdaman sa mga nagawa niyang concert, sa ginanap na Centerstage media conference kamakailan.

Ayon sa Centerstage host, bilang isang aktor, masarap sa pakiramdam ang makapagtanghal at makapagdaos ng sariling concert, lalo pa at sinuportahan ito ng publiko.

“Being an actor, not a performer. Well, can be a perfomer, can host, ganyan, but from an actor's point of view, being able to perform…

“Ako 'yung mga unforgettable moments ko is kapag nag-take na ng final vow, na you were able to deliver the whole show,” pahayag ni Alden.

Dagdag pa niya, “Sa akin bilang aktor parang nakagawa ako ng isang bagay na hindi ako comfortable gawin, especially itong mga past concerts ko, ang sarap sa pakiramdam. May ibang fulfillment ang performing.

“It's very liberating. Ang sarap mag-explore ng iba't ibang puwedeng gawin dito sa showbiz.”

Abangan si Alden Richards bilang host ng Centerstage simula February 16.

READ: Alden Richards admits feeling the pressure of hosting 'Centerstage'

READ: 'Centerstage' taps psychologist for young performers' welfare