TV

Alden Richards, nakipag-dance showdown sa 'Centerstage' kids?

By Dianara Alegre

Hindi lang mga bata ang talentado sa Centerstage, ang pinakabagong singing competition ng GMA Network na inilunsad para sa mga bata, dahil pati ang host nitong si Asia's Multimedia Star Alden Richards ay hindi rin nagpatalo pagdating sa sayawan.

Sa ikalawang episode ng inaabangang singing show sa Linggo, February 23, nakipag-dance showdown si Alden sa mga batang kalahok, dahil na rin sa udyok ng mga hurado ng show na Pops Fernandez, Aicelle Santos at Mel Villena.

Pero sino kaya ang mas pinusuan ng mga hurado?

Abangan 'yan sa Centerstage ngayong Linggo, pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.

WATCH: Alden Richards, hanga sa 'Centerstage' contestants

READ: Alden Richards encourages 'Centerstage' kids by sharing his own success story