GMA Logo Dave Valenzuela at Wincess Yana
What's on TV

Centerstage: Bida Kids, nagpasilip ng kani-kanilang pinagkakaabalahan habang naka-quarantine

By Dianara Alegre
Published May 22, 2020 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rider shot dead in Taguig ambush; 2 friends nabbed
5 cops relieved over robbery probe in Porac
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Dave Valenzuela at Wincess Yana


Habang naka-quarantine, na-enjoy ng Bida Kids ang kanilang Bida Gifts na handog ng 'Centerstage.'

Isa sa mga handog ng Centerstage sa mga lumalahok na Bida Kids ay ang pagbibigay ng mga minimithi nilang mga bagay bilang regalo ng mga host na sina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Kapuso comedian Betong Sumaya at judges Concert Queen Pops Fernandez, Kapuso vocal powerhouse Aicelle Santos at renowned musical director Mel Villena.

Ngayong naka-quarantine ang lahat ng mga sumali sa show kabilang sina Hargie Ganza, Dave Valenzuela, Wincess Yana, Sofi Pangilinan, at Oday Barahil, ay nagamit nila nang husto ang mga tinanggap nilang regalo.

Bilang sila ay mahilig sa sports, music, arts at crafts, kabilang sa mga tinanggap nilang Bida Gifts ay volleyball, stuffed toys, ukulele, stationery supplies, at ride all you can tickets sa isang amusement park.

Kumusta na kaya sila?

Silipin ang quarantine life ng Bida Kids sa video na ito:

'Centerstage' launches online auditions

Rain Barquin shares preparation for Centerstage's Grand Finals