What's on TV

Vianna Ricafranca, Donnalyn Soriano wow 'Centerstage' judges, audience

By Dianara Alegre
Published February 24, 2021 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 23, 2025 [HD]
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Vianna Ricafranca at Donnalyn Soriano


Natamo nina Bida Kids Vianna Ricafranca at Donnalyn Soriano ang kauna-unahang standing ovation mula sa Bida Voters ng 'Centerstage!'

Sa unang pagkakataon ay nagbigay ng standing ovation ang studio audience o Bida Voters para sa performance ng Bida Kids na nag-perform sa Centerstage nitong Linggo, February 21.

Napa-wow nina Bida Kids Vianna Ricafranca at Donnalyn Soriano hindi lamang ang judges na sina Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Aicelle Santos, at Maestro Mel Villena, kundi pati ang studio audience nang awitin nila ang hit song ng singer na si Gary Valenciano na “Sana Maulit Muli.”

Source: Centerstage

“Tumayo talaga 'yung balahibo ko. Naramdaman ko talaga 'yung kanta from both of them. Pareho silang napakagaling. Pareho 'yung attack,” lahad ni Pops.

Hindi rin umano napigilan ni Mel na mapatayo nang mas ipakita pa ni Vianna ang kanyang husay sa pagkanta.

“Ako naman personally, nakikita 'yung [hindi] ka [nagmamadali]. If ever you want to show your singing prowess, sometimes mas gusto kong nakikita 'yun bang 'mamaya na, wag muna.'

“Nakita ko sa isa sa kanila 'yon. Naghintay muna sandali bago ipakita na meron pala kaya ako napatayo,” aniya.

“Si Donnalyn was right there, singing the right notes and nando'n na agad 'yung power, nando'n na agad 'yung range maaga pa lang.

“Si Vianna akala ko just stays there, mid and low pero nakakaiyak 'yon 'pag napakinggan mo 'yon. She's telling a message, she's telling a story. Akala ko ganun lang si Vianna na nandun lang siya sa lugar na 'yon. But later meron din pala,” dagdag pa ng musical director.

Source: Centerstage

Dahil sa pareho maganda ang ipinakita nilang performance, naging “exciting” umano para kay Aicelle ang laban.

“Seeing you both, kung ano 'yung binigay na energy ng isa sasagutin naman ng isa kaya ang ganda-ganda ng duet n'yo. Parang hindi ako matatalo. Kailangan kong ilaban 'tong kantang 'to. It was an exciting duet for me. It was a battle actually.

“For Donnalyn, gustung-gusto ko 'yung brilyo ng high notes mo. It's so clear, it's soaring. Ang ganda-ganda no'n.

“With Vianna naman, parang alam mo 'yung naka-surround sound. Kumbaga kumpleto…ang husay. And also 'yung pangungusap whenever you sing I was just smiling the whole time,” sabi pa niya.

Source: Centerstage

Sa huli, si Vianna ang itinanghal na bagong defending champion ng Centerstage matapos niyang mapatayo rin ang judges na sina Aicelle at Mel sa napakahusay na rendition nito ng awiting “Killing Me Softly.”

Kailangan niyang maidepensa ang pwesto sa dalawa pang susunod na rounds bago makapasok sa grand finals kasama sina Rain Barquin at Colline Salazar.

Abangan ang bagong set ng Bida Kids na hahamon kay Vianna ngayong Linggo, February 28, 7:40 p.m., sa GMA!

Related content:

Unang pasilip sa virtual set ng 'Centerstage!'