GMA Logo Vianna Ricafranca
What's on TV

WATCH: Vianna Ricafranca's superb song cover of 'Fly Me to the Moon'

By Dianara Alegre
Published April 28, 2021 6:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Vianna Ricafranca


Muling hinangaan ng fans ang angelic voice ni 'Centerstage' grand finalist Vianna Ricafranca sa kanyang 'Fly Me to the Moon' song cover.

Kahit may pandemya ay tuluy-tuloy ang pag-e-ensayo ng isa sa mga grand finalist ng Centerstage na si Vianna Ricafranca.

Opisyal na nakapasok sa grand finals ng kiddie singing competition si Vianna noong March, nang pahangain niya ang Centerstage judges na sina Aicelle Santos, Maestro Mel Villena, at Concert Queen Pops Fernandez nang kantahin ang kanyang bersyon ng “Hindi Kita Malilimutan” ni veteran singer Basil Valdez.

Vianna Ricafranca

Source: Vianna Ricafranca (Facebook)

At habang hindi pa tumutuntong sa entablado ng kumpetisyon, ipinamamalas muna ni Vianna ang kanyang husay sa pag-awit sa pamamagitan ng pag-upload ng iba't ibang song cover sa kanyang official social media accounts.

Isa na rito ay ang kanyang bersyon ng "Fly Me to the Moon" ng renowned singer na si Frank Sinatra.

Gaya ng inaasahan, ibinida ng young aspiring singer ang kanyang angelic voice na talaga namang kinagiliwan at hinahangaan ng kanyang fans.

Fans pinuri ang Fly Me to the Moon song cover ni Vianna Ricafranca

Fans pinuri ang Fly Me to the Moon song cover ni Vianna Ricafranca

Fans pinuri ang Fly Me to the Moon song cover ni Vianna Ricafranca

Fans pinuri ang Fly Me to the Moon song cover ni Vianna Ricafranca

Source: Vianna Mae Ricafranca YouTube channel

Samantala, sa kasalukuyan ay hinahanap pa ng Centerstage judges ang huling Bida Kid na bubuo sa apat sa grand finalists ng Centerstage.

Gaya ni Vianna, pasok na rin sa much-awaited grand finals ang Bida Kids na sina Rain Barquin at Colline Salazar.

Panoorin ang impressive song cover ni Vianna Ricafranca ng “Fly Me to the Moon” sa video sa ibaba:

Related content:

'Centerstage' grand finalist Colline Salazar impresses with 'Nais Ko' cover

'Centerstage's' grand finalist Rain Barquin shows vocal prowess in 'Magpakailanman' song cover