
Dream come true para sa Caloocan City singer na si Rain Barquin na mapanood sa telebisyon.
Si Rain ang kauna-unahang grand finalist ng GMA singing competition na Centerstage kaya thankful siya sa exposure na ibinigay sa kanya ng programa.
"Masayang-masaya po ako na ako 'yung first-ever grand finalist ng Centerstage kasi po isa po ito sa mga pinakapangarap ko na makatungtong po sa telebisyon," bahagi ni Rain sa isang video sa kanyang Facebook page.
Binansagang heartwarming 12-year-old si Rain dahil sa kanyang nakakabighaning boses.
Unang beses pa lang na narinig siya ng Centerstage judges na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos, at Mel Villena ay nakatanggap na agad siya ng standing ovation.
Ayon kay Maestro Mel, very rare daw para sa isang bata na makontrol ang kanyang boses, bagay na hinangaan ang musical director.
Komento naman ni Pops, soft ang boses ni Rain. Gayunpaman, madarama pa rin ang mga salitang binibigkas ng batang mang-aawit.
Kung tingin mo ay karapat-dapat na manalo si Rain sa Centerstage, iboto ang inyong pambato sa poll na ito:
Subaybayan ang journey ni Rain sa grand finale showdown ng Centerstage ngayong Linggo, May 30, bago mag-Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.