TV

Jake Vargas and Bea Binene, handa nang paiyakin, patawanin at pakiligin ang mga fans



Hindi naitago ng nagbabalik-tambalang sina Jake Vargas at Bea Binene ang kanilang tuwa at excitement sa  muli nilang pagsasama sa morning teleserye na Cielo de Angelina. Sa ginanap na press conference ng naturang TV series last October 17, the two tween stars shared their thoughts about their much-awaited onscreen reunion.

“Very, very excited. Sobrang excited kasi after Luna [Blanca] na hindi kami magkasama, magkakasama ulit kami. Magkasama ulit kami sa tapings, sa mga eksena, and very excited po din dahil ito ang first TV production ng GMA Films. Ito rin ang first solo direction job ni Direk Omar [Deroca], so I’m very, very happy and very, very excited. Sana ganoon din ang mga viewers,” kuwento ni Bea.

“Masaya po kami kasi balik tambalan na naman ang JaBea, naghihintay na ‘yung mga fans. Na-miss ko rin si Bea na makatrabaho,” adds Jake.

Kakaiba rin daw ang proyektong ito dahil malayo ito sa nakakakilig na shows nila dati. “’Yung mga eksena, mga dialogue namin, heavy talaga siya. Hindi kasi siya pa-sweet sweet na kilig-kilig ulit.  Dito may kilig siya, pero heavy drama pa rin,” explains Bea.

Nang kinamusta ng press ang relationship nina Jake at Bea ngayong nagbabalik ang loveteam nila, ito ang naging pahayag ni Jake. “Habang tumatagal kasi, lalo kaming nagiging komportable sa isa’t isa. Andoon na ‘yun, ‘yung love, ‘yung kaibigan, lahat andoon na.”

Bea even adds, “Kaya masaya din ako na magkakasama na ulit kami ni Jake, kasi hindi na kami nagkakailangan. We are getting closer, mas nagiging close kami.”

Aware din ang dalawa sa pressure na kasabay ng pagtanggap nila ng TV project na ito. “Mas pressured kami, kasi ito ang first morning soap ng GMA, tapos sabihin na natin na mabigat ang kalaban, kaya sobrang pressured,” shares Bea, “Pero ang goal namin, ang paiyakin, patawanin, pakiligin sila.”

Abangan sina Jake Vargas at Bea Binene bilang Marco at Angelina sa Cielo de Angelina, weekdays bago mag-Eat Bulaga. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com