TV

WATCH: Glaiza de Castro, inakit si Geoff Eigenmann sa 'Contessa'

By Jansen Ramos


Sa April 25 episode ng Contessa, magiging kliyente ni Gabriel si Contessa kaya nag-celebrate siya kasama ang kanyang mga empleyado. Nalaman ito ni Daniela at pinuntahan niya ito sa kanyang opisina para sabihin na bitawan ang proyektong alok ni Contessa.

Naguguluhan si Gabriel sa sitwasyon kaya pumunta muna siya sa isang bar para maglabas ng sama ng loob. Ginawa naman itong oportunidad ni Contessa para siya'y akitin.