TV

Myrtle Sarrosa, natutong maging 'jack-of-all-trades' para sa 'Cool Hub'

By Nherz Almo

Nagpapasalamat si Myrtle Sarrosa dahil sa kabila ng pandemya, nabibigyan pa rin siya ng trabaho ng GMA Artist Center.

Isa na rito ang bagong online show na Cool Hub, kung sa host si Myrtle kasama sina Ayra Mariano, Yasser Mata, at Manolo Pedrosa. Ipinakikita rito ang iba't ibang klase ng hobby.

"I feel very, very grateful kasi, at the moment, binibigyan nila ako ng work with GMA Artist Center such as Cool Hub.

"Dito, nami-meet ko yung iba't ibang collectors, so parang binibigyan nila ako ng iba't ibang opportunities to hone my skills and to grow din as an artist.

"Binibigyan nila ako ng opportunities with GMA," sabi ni Myrtle sa ginanap na video conference para sa contract renewal niya sa iniendorsong Sisters sanitary napkin and pantyliners kamakailan.

Ayon sa actress-cosplayer, itinuturing niyang tila "silver lining" sa gitna ng pandemya ang patuloy na pagkakaroon ng trabaho.

Aniya, "Of course, siguro iniisip ng mga tao, mahirap ang gumalaw [dahil sa pandemic].

"Pero right now, na-realize ko rin, na dapat ang priority natin is really our health palagi. And hindi huminto yung pagpasok ng mga blessings.

"Kahit may pandemic and may quarantine, we always see the silver lining sa lahat ng nangyayari."

Bilang host ng Cool Hub, nadiskubre raw ng 25-year-old celebrity na marami pa siyang kayang gawin.

"Dito, parang mas naho-hone yung skills ko as a host and as an artist.

"Ito nga 'yung panahon na dapat ano, e, jack of all trades.

"So, parang nama-maximize ko lahat ng talents and skills ko kasi you have to not only do one thing but to learn everything else. Kasi, mag-isa ka lang sa bahay, kapag kailangan na mag-lighting. Nag-enjoy ako.

"At saka, dito ko na-realize na, 'Uy, ang dami ko palang equipment sa bahay namin,' na pwedeng gamiting sa content namin.'

"Masaya yung mga ganitong panahon na, alam mo, parang nae-explore yung iba't ibang bagay na dati hindi mo nagagawa kasi madalas na sa set ka lang.

"Ngayon naman, parang tipong nasa bahay ka, you yourself produce your own content online."

Kamakailan ay nakapanayam ni Myrtle ang kapwa cosplayer na si Liui Aquino para sa Cool Hub.




Bukod sa online show, sinubukan din daw ni Myrtle na mag-audition para sa isang upcoming Kapuso show.

Katulad sa Cool Hub, first-time din niya gawin ang mag-audition sa pamamagitan ng Zoom video conference.

"Recently lang, pinapa-audition nila [GMA Artist Center] ako virtually for a different program.

"Actually, first time ko na uma-acting for audition sa Zoom. First time ko, actually, umarte rito sa Zoom a few weeks ago. Hopefully, mag-improve pa.

"I think they're resuming the previous projects. Then, yung pina-audition nila sa akin is for next year pa, so we'll see what will happen," pagtatapos ni Myrtle.