TV

Meg Imperial, Kapuso na, mapapanood sa bagong serye na 'D' Originals'

By FELIX ILAYA


Sumikat si Meg Imperial sa mga series na kaniyang pinagbidahan noon sa Kapamilya network. Ngayon naman ay mapapanood si Meg sa pinakabagong Kapuso dramedy na D' Originals. Sa exclusive interview ng aktres, nabanggit niya na hindi raw ito ang first appearance niya sa GMA Network dahil naaalala niya 'noong nagsisimula pa lang siya na may ilang projects din siya na ginawa dito.

"I remember 'nung nagsta-start ako, nandito rin ako lagi noon but this is the first as me, Meg na. So far, the staff are nice and magaan naman, tinitimpla ko pa ngayon 'eh siyempre bago ka. Good thing naman na I know some people na rin na nakatrabaho ko na from before," pag-alala ni Meg.

Nagkuwento rin si Meg tungkol sa karakter na kaniyang gagampanan. 

Aniya "I'll play the role of Alice, isang aspiring actress na goal-getter and na-in love siya sa isang funny guy which will be played by Archie Alemania na married sa character ni Kim Domingo."

Makakatapat ni Meg ang sexy actress na si Kim Domingo sa show. Intimidated kaya siya kay Kim?

"No, actually I'm confident about myself. I got depressed years ago and everyone knows about it, now that I recovered from it, I should always be positive. There's no way that I should be intimidated by anyone," sagot niya.

Binahagi rin ni Meg ang kaniyang gagawin kung lokohin siya ng isang nobyo o mister.

"I'm more on the classy side na I'll prove na lang to my husband kung ano 'yung difference between the mistress and the real wife, what he's missing on. Doon tayo sa classy para maghabol siya kasi 'pag ikaw 'maghabol siya kasi 'pag ikaw 'yung naghahabol, mahirap 'yan," wika ni Meg.

Panoorin ang dibdibang laban nina Kim at Meg below:


MORE ON 'D' ORIGINALS':

READ: LJ Reyes on fidelity - "Choose your husband wisely" 

WATCH: Cast ng 'D' Originals,' nagkuwento tungkol sa kanilang roles 

Kim Domingo, naloko na raw ng lalaki noon?