TV

READ: Jaclyn Jose, naranasan na raw manugod ng kabit?

By FELIX ILAYA

Sa press conference ng D' Originals this Wednesday (April 5) ravishing in red ang 2016 Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose. Doon ay pinaunlakan niya ang mga tanong ng media men ukol sa panibago niyang dramedy series.

 

Photo by: Elisa Aquino, GMA Network Inc.

Gagampanan ni Jaclyn ang papel ni Josie, isang mabuting housewife sa kaniyang pamilya. Masaya sila ng kaniyang asawa kaya't magugulantang ang mundo nito nang malaman na may kabit pala ito. Para kay Jaclyn, nababagay raw ang show na ito para sa mga housewives gaya ng kaniyang karakter.

 

Aniya, "'Yung mga misis, 'yan ang gusto naming imbitahan [na manood] ng D' Originals para makapulot sila ng tips kung papaano nagloloko ang mga lalaki ng hindi natin alam, paano natin iwo-work out, paano natin susulusyonan. Hindi lang siya basta dramedy, sobrang experimental niya na we're reaching talaga 'yung mga misis sa tahanan."

Masaya naman si Jaclyn sa mga kaniyang castmates sa D' Originals gaya nina Katrina Halili, LJ Reyes at Kim Domingo.

"'Yung mga batang 'to, kakakitaan mo na ng professionalism, disiplina sa pag-arte, sa pakikipagkapwa-tao, professional na masasabi ang lahat ng mga nandito at alam ko na malayo ang mararating," sabi ng batikang aktres.

 

Photo by: Elisa Aquino, GMA Network Inc.

Pagdating sa usapang kabit, nagbahagi rin si Jaclyn ng kaniyang karanasan nang mahuli niya ang dating partner sa akto.

"Nakita ko first hand, inabangan ko sa lugar, alam kong doon nagpupunta, nakita ko lumalabas, inakbayan, sinakay sa kotse, medyo matagal sa kotse, uminit na ulo ko, bumaba na ako at sinipa ang pinto. 'Lumabas ka dyan!' [sabi ko]. Tapos second na nangyari sa'kin, um-attend ako sa isang party, tinago 'yung babae sa kuwarto may mga nagsumbong sa akin. Sinugod ko tapos sabi ko 'May nangyari ba talaga sa inyo?' 'Kiss lang po,' sabi sa'kin. Sinipa ko sa face! Syempre noong araw, magagalit ka kapag naloko ka 'eh pero after awhile, masasanay ka na rin so wala akong partner," pag-alala ni Jaclyn.

MORE ON 'D' ORIGINALS':

WATCH: Jaclyn Jose, LJ Reyes at Kim Domingo, may patama para sa mga kabit 

Meg Imperial, Kapuso na, mapapanood sa bagong serye na 'D' Originals' 

IN PHOTOS: 'D' Originals' Press Conference