TV

Katrina Halili, magpapakita ng funny side sa 'D' Originals'

By FELIX ILAYA

Gaganap si Katrina Halili bilang Yvette sa pinakabagong Kapuso dramedy series na D' Originals. As Yvette, siya ang magiging mistress ni Lando na siya namang bibigyang buhay ni Jestoni Alarcon. Karibal ni Yvette ang asawa ni Lando na si Josie na gagampanan ni Jaclyn Jose.

 

Photo by: katrina_halili (IG)

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Katrina, binahagi niya ang kaniyang karanasan katrabaho ang dalawang showbiz veterans na sina Jaclyn at Jestoni.

Aniya, "Sobrang excited ko kasi masaya at saka magaling si Miss Jaclyn 'di ba? Natatakot din [ako] minsan kasi 'yung mga words ko sa kaniya 'balyena' ganyan parang gusto kong tanungin si Direk kung okay lang. First time kong maka-trabaho si Sir Jestoni, okay naman, mabait siya, and very professional. 'Nung una medyo ilang kasi sexy scenes 'yung ginagawa namin pero mabait at maalaga naman sila sa set."

Kadalasang napapanood si Katrina bilang kontrabida sa telebisyon, sa D' Originals din ay magsisilbi siyang tinik sa relasyon ng mag-asawang sina Josie at Lando ngunit ano naman kaya ang kaiba sa karakter niya ngayon?

"Ang different kay Yvette sa mga roles na na-portray ko na, may comedy side siya na hindi ko pa nagagawa. Lahat ng character ko, serious, papatay ka, or masama ka. Simula pa lang, na-stuck na ako sa drama, sa pagmamaldita. So dito, maldita pa rin siya pero medyo light at comedy. Frustrated comedian ako, hindi lang ako nabibigyan ng role. Actually, last year nagbabanggit na ako na gusto ko ng comedy, biglang nagulat na lang ako [nang] tinawag sa 'kin. Wish come true siya," sagot ng Kapuso actress.

May mensahe rin si Katrina para sa mga manonood, "Mga Kapuso, sana suportahan n'yo ang D' Originals. Bagong show ito sa hapon sana mag-enjoy kayo, April 17 na!"

MORE ON 'D' ORIGINALS':

Elyson de Dios, umani ng papuri mula kay Jaclyn Jose 

READ: Jaclyn Jose, naranasan na raw manugod ng kabit?

WATCH: Jaclyn Jose, LJ Reyes at Kim Domingo, may patama para sa mga kabit