TV

WATCH: LJ Reyes, natutuwa sa feedback ng mga netizens sa 'D' Originals'

By FELIX ILAYA

Nang mag-premiere ang pilot episode ng D' Originals umabot ito sa top trends ng Twitter at maraming humanga sa kaibang direksyon ng show.

#DOriginalsPilot, trending sa Twitter! 

Ayon naman sa panayam ni Lhar Santiago kay LJ Reyes, masaya daw ang aktres sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang show.

Aniya, "Nakakatuwa kasi ang ganda ng feedback sa social media tapos lahat sila natatawa. I think some of them said pa na very refreshing na nagkaroon ng dramedy sa hapon."

Sa pananaw ni LJ, isa pa sa mga dahilan kung bakit kinagat ang D' Originals ng mga manonood ay ang bond ng mga castmates sa isa't-isa.

"Nakikita on-screen 'yung bonding namin off-screen and siguro it helps also na may comedy element 'yung show so may light na part," wika niya.

Panoorin ang buong ulat below:

MORE ON 'D' ORIGINALS':

What you've missed on April 20 episode of 'D' Originals' 

What you've missed on April 19 episode of 'D' Originals'

WATCH: Simula na ng pang-aahas ni Yvette