Huwag papahuli sa isang malupit na episode ng Kapuso sitcom na 'Daddy's Gurl' featuring Comedy Queen Aiai Delas Alas at rap group na Ex Battalion this Saturday night, April 27.
Papawiin ng 'Daddy's Gurl' ang stress dala ng mainit na panahon this Saturday, dahil muling magbabalik ang multi-awarded comedienne na si Aiai Delas Alas bilang si Amor Flowers.
Masasaksihan din ang rapping prowess ng Ex Battalion na special guest sa Kapuso sitcom.
Ano kaya ang pakay ni Amor Flowers sa opisina ni Stacy?
Magpapakilig sina Bossing at Comedy Queen sa 'Daddy's Gurl.'
Gawing family bonding every week ang panonood ng 'Daddy's Gurl' tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng 'Pepito Manaloto.'