Magbibigay ngiti sa inyo, mga Kapuso, ang mga special guest na sina Glaiza de Castro at Baeby Baste sa episode ng 'Daddy's Gurl' ngayong June 20.
Cuteness overload ang mapapanood sa 'Daddy's Gurl' dahil bibisita si Baeby Baste. Ano kaya ang magiging papel ng karakter niya na si Chukoy sa buhay nina Barak (Vic Sotto) at Stacy (Maine Mendoza)?
Magaan ang loob ni Barak sa cute kid na anak ni Grace, na gagampanan ni Glaiza de Castro.
Hindi papayag si Grace na apihin ang baby boy niyang si Chukoy
Selos much si Stacy kay Chukoy
Tunghayan ang tawanan at kulitan sa 'Daddy's Gurl' this Saturday, June 20, pagkatapos ng 'Magpakailanman.'