Ready na ba kayo sa laugh-out-loud moments sa episode ng 'Daddy's Gurl?'
May tatlong bagong barista si Barak (Vic Sotto) na 'tila tatamaan nang husto sa anak niya na si Stacy (Maine Mendoza).
May pag-asa kaya ang exotic look ng tatlo kay Visitacion?
Heto ang sneak peek sa mangyayari sa paboritong sitcom ng bayan this April 10 pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).
Ang beauty ni Stacy (Maine Mendoza), ibang klase dahil magkakagusto ang tatlong bagong barista sa Starbaraks.
Aba, iba din ang confidence ng mga barista na feeling pogi. May chance kaya sila sa unica hija ni Barak (Vic Sotto)?
Mukhang kakailanganin ni Stacy ang tulong ng tatlong barista sa Starbaraks.
Sasakit ang tiyan n'yo sa katatawa sa hinandang episode ng 'Daddy's Gurl.'
Choose to stay at home at manood ng panalong tandem nina Bossing Vic Sotto at Phenomenal star Maine Mendoza sa 'Daddy's Gurl', Sabado ng gabi, April 10.