Dahil sa dami nilang gastusin at sunod-sunod na problema, magigipit sa pera sina Barak (Vic Sotto) at Stacy (Maine Mendoza). Ano kaya ang handang gawin ni Stacy para magkaroon ng instant cash? Heto ang pasilip sa mga mangyayari sa episode ng 'Daddy's Gurl' this coming May 30, pagkatapos ng 'Wowowin Primetime.'
Kailangan magtipid ng Team Bahay dahil kapos sila sa budget.
Makahanap kaya ng solusyon si Stacy sa problema nila sa bahay?
Mukhang may naisip si Matilda(Wally Bayola) para magkapera sila Stacy
Ano ginagawa mo Matilda sa sabungan? Special guest sa 'Daddy's Gurl' si Wendell Ramos na gaganap bilang si Bulik.
Handa ba sumugal si Stacy?
Sulit ang panonood ng 'Daddy's Gurl' sa unli-good vibes na hatid nito this Saturday night pagkatapos ng 'Wowowin Primetime.'