Malalagay sa alanganin ang career ng bagong promote na si Stacy (Maine Mendoza) dahil sa pagsabotahe sa kanya ng ex-girlfriend ni Pantaleon (Derrick Monasterio) na si Aiza (Bea Binene).
Sundan ang mga gagawin ng selosang ex-jowa ni Pantaleon sa 'Daddy's Gurl' this Saturday night (November 5), pagkatapos ng '#MPK' (Magpakailanman).
I-a-announce na ni Sir. Lance (Oyo Sotto) kung sino sa Team Office ang ipro-promote niya bilang advertising head.
Congratulations sa promotion, Stacy (Maine Mendoza)! Bongga ang career ng anak ni Barak (Vic Sotto).
Winner din ang love life ni Stacy dahil aakyat na ng ligaw si Pantaleon (Derrick Monasterio).
May pa-party rin si Barak para sa promotion ni Stacy. Bakit naka-topless lang si Pantaleon?
May new hire din sa Team Office na si Aiza (Bea Binene). Hindi alam ni Stacy na ex-jowa ito ni Pantaleon.
Sa tindi ng pagseselos ni Aiza, isa-sabotahe nito ang trabaho ni Stacy.
May paraan kaya para mahuli ang ginawa na ito ng dating girlfriend ni Pantaleon?
Mas relaxing ang panonood ng Saturday primetime sa pagtutok sa 'Daddy's Gurl' after '#MPK' ngayong November 5 sa Sabado Star Power sa gabi.