TV

READ: Ano ang na-discover ni Oyo Sotto tungkol sa Daddy's Gurl star na si Maine Mendoza?

By Aedrianne Acar

Balik telebisyon si Oyo Sotto sa highly-anticipated Kapuso sitcom na pinangungunahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza na Daddy's Gurl.

EXCLUSIVE: Angelika dela Cruz, excited na mga A-list celebs ang makakasama sa kanyang unang sitcom

Sa panayam ni Cata Tibayan kay Oyo sa pictorial ng Daddy's Gurl, nagkuwento ito sa magiging role niya sa bagong comedy program.

Saad niya, “Sa mga past sitcoms na ginawa namin ni Daddy (Vic Sotto) good 'yung role ko. Ngayon hindi naman bad pero mayabang, kumbaga hindi siya 'yung typical na parang pa-good effect. Ngayon naman mayabang na strikto na boss.

“Siyempre marami, unang-una first time ko makakasama si Maine (Mendoza) sa isang show and sila naman ni Daddy 'yung mag-ama. Tapos, ako hindi kami related ni Daddy.”

Hindi rin daw naging mahirap para sa kaniya na mag-adjust sa first taping day para sa Daddy's Gurl.

Wika ni Oyo, “Actually 'yung first day sobrang relax lang, walang hassle na feeling or walang mabigat na feeling, magaan lang all throughout. Simula umaga hanggang sa natapos ako ng gabi okay siya, masaya 'yung set.”

Ito rin ang unang pagkakataon na makakasama ni Oyo si Maine.

Ano naman kaya ang na-discover niya sa Eat Bulaga superstar?

“Nakakatuwa si Maine, makulit din 'tsaka tahimik lang siya. Pagka nakaupo lang siya ayun, phone phone lang siya tingin-tingin lang. Pero 'pag umeksena na, ayun ang galing!”

Makikilala ninyo ang pamilya Otogan, ang kuwelang fambam ni Daddy's Gurl, this Saturday night, October 13 pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.