TV

READ: Comedian Jelson Bay considers working with Bossing Vic Sotto a blessing

By Aedrianne Acar

Unang nakilala ang comedian na si Jelson Bay sa mundo ng teatro bago pinasok ang showbiz.

Sa panayam ng entertainment press sa kaniya sa taping ng Daddy's Gurl kamakailan, ikinuwento niya kung paano siya napasama sa bagong sitcom ni Bossing Vic Sotto.

WATCH: Maine Mendoza on her first sitcom: "Parang hindi ka nagwo-work"

Ayon kay Jelson, una siyang lumabas sa isang pelikula ng yumaong direktor na si Wenn Deramas.

Kuwento niya, “Nag-guest po ako sa Hay, Bahay! sa kaniya. Pero una po akong lumabas kay Direk Wenn [Deramas] sa Beauty and the Bestie.

"'Tapos in-invite po nila ako sa isang show nila sa Hay, Bahay! 'tapos nagdire-diretso na po ako.”

Ang Hay, Bahay ay ang dating sitcom ni Vic kasama ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Sa Daddy's Gurl, ginagampanan ni Jelson ang karakter ni Gerry, ang right-hand man ni Barak Otogan na pino-portray ni Vic Sotto.

Ano naman ang pakiramdam ni Jelson na mahahanay na siya sa mga kilalang sidekick ni Bossing tulad ni Jose Manalo at ang yumaong si Ritchie D' Horsie?

Sagot ni Jelson, “Actually, I'm having a hard time eh [laughs].

“Ako naman, personally, hindi naman ako ganung mag-isip.

“Sa theater 'yung mga mentor namin 'yung trabaho na mapag-aralan 'yung script. Privilege na lang na din 'yun na lang 'yung lagi kong [iniisip].

“You're blessed [na makasama si Bossing] kasi mahirap baka hindi mo ma-enjoy [pag-inisip mo na ganun].

“Ako, I'm grateful, gaya nga ng sabi ko, mabugahan ka ni Bossing privilege 'yun eh.”

Huwag bibitaw sa funny adventure ng mag-amang Barak at Stacy sa Daddy's Gurl tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.