TV

Daddy's Gurl: Daddy Barak vs. Rudy

By Aedrianne Acar

Isang malaking gulo ang sisiklab sa kapihan at magtutungali ang proud Batangueño na si Barak [Vic Sotto] at ang owner ng Starbukol na si Rudy [Leo Martinez].

Vic Sotto

Alamin ang kuwento sa likod ni promdi widower na si Barak sa 'Daddy's Gurl'

Daddy's Gurl: Starbukol problem ni Barak

Mangunguna sa isang protesta ang promdi widower laban sa plano ni Mang Rudy na bilhin at gawin Starbukol branch ang coffee farm ni Barak.

Magtagumpay kaya ang plano nina Stacy [Maine Mendoza] at Pureza [Barbie Forteza] na pigilan ang gulo sa pagitan ng kanilang mga tatay?

Tanggal ang stress ninyo mga Kapuso sa pagtutok sa laugh-out-loud moments sa Daddy's Gurl pagkatapos ng multi-awarded comedy show na Pepito Manaloto this February 2!