TV

#StayRich: Guesting ni Alden Richards sa 'Daddy's Gurl,' namayagpag sa ratings!

By Aedrianne Acar

Muling pinatunayan nila Maine Mendoza at Alden Richards ang lakas ng kanilang love team matapos na mag-trend ang Saturday episode ng Kapuso sitcom na Daddy's Gurl kung saan special guest ang Pambansang Bae.

READ: Alden Richards, nagpasalamat para sa 'Daddy's Gurl'

Gumanap si Alden bilang si Aldrich Reyes na first crush ng karakter ni Maine Mendoza na si Stacy Otogan.

Base sa People Ratings ng Nielsen Philippines noong Sabado, mas maraming Kapuso ang tumutok sa kilig na hatid ng #StayRich kontra sa katapat nitong programa.

Taos-puso naman ang pasasalamat ng Daddy's Gurl director na si Chris Martinez sa mainit na pagtanggap ng viewers sa kanilang episode last week.

embed:

Huwag papahuli sa funny adventure ng mag-amang Barak at Stacy sa Daddy's Gurl every Saturday pagkatapos ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto.