TV

READ: Maine Mendoza is a proud Gulapanatic!

By Jansen Ramos

Pati si Maine Mendoza ay kinagiliwan ang online sensation na si Dante Gulapa!

Sa kanyang tweet noong Martes, June 4, pinuri ng actress/TV host ang kabaitan ni Dante matapos niya itong makasama sa taping para sa isang episode ng Daddy's Gurl na nakatakdang ipalabas sa June 15.

Sabi ni Maine, "Dante Gulapa is our special guest here in Daddy's Gurl for next next week's episode and I swear sobrang bait niya, fun, and adorable!"

"Naalala ko 'yung thread na nabasa ko about him noon pa.

"Tuwang-tuwa ako sa kanya talaga!"

Ika pa niya, "Proud #Gulapanatic here hehe."

Sumikat si Dante sa Facebook dahil sa kanyang viral eagle dance.

Nitong nakaraang Marso, napanood ang kanyang life story sa Magpakailanman.