TV

Paranormal expert Ed Caluag, tutulungan si Barak | Teaser Ep. 42

By Aedrianne Acar

Susubukan lutasin ni Barak (Vic Sotto) ang misteryosong pagkawala ng monay sa Starbaraks.

Totoo kaya ang hinala ng tatay ni Stacy (Maine Mendoza) na siya ay minumulto?

Extra special ang guest sa Daddy's Gurl this Saturday night dahil makikigulo ang paranormal expert na si Ed Caluag kasama ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis!

Yayain ang buong family at gawing relaxing ang weekend n'yo, mga Kapuso, sa panonood ng Daddy's Gurl pagkatapos ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento.