TV

Daddy's Gurl Ella, the model employee

By Aedrianne Acar

May makikilalang bagong officemate sina Stacy (Maine Mendoza), Beauty (Chichirita) at Daboy (Kevin Santos) sa episode ng Daddy's Gurl this May 29.

Meet the cast of 'Daddy's Gurl'

Impressive ang newbie na si Ella (Sophie Albert) dahil nakakakuha ito ng positive feedback sa trabahong ginagawa niya mula sa clients ng Iconic Media.

Pero totoo kayang sariling idea ni Ella ang concepts niya na pinopropose kay Sir. Lance (Oyo Sotto)?

Muling samahan ang panalong tandem ng Team Office ngayong Sabado ng gabi sa Daddy's Gurl, kung saan makikisaya sa kanila ang Kapuso drama actress na si Sophie Albert!

Tumutok sa unli-good vibes at unli-tawanan sa Daddy's Gurl pagkatapos ng award-winning sitcom ng madamdaming kuwento sa #MPK (Magpakailanman) hosted by Mel Tiangco.