TV

Ano-ano ang nangyari kina Barak at Stacy nitong quarantine? | Teaser

By Aedrianne Acar

Alam naming na-miss ninyo ang kulit tandem nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza sa paboritong sitcom ng bayan na Daddy's Gurl.

Kaya handog namin this week ang isang fresh episode na tiyak punong-puno ng good vibes!

Matapos kumalat ang COVID-19, saan na inabutan ng lockdown ang mag-amang Barak (Vic Sotto) at Stacy (Maine Mendoza)?

Dahil wala muna ring trabaho, paano hinarap ng terror boss ni Stacy na si Sir Lance (Oyo Sotto) ang lockdown? Masungit pa rin kaya ito?

At itong si Aling Oprah (Angelika dela Cruz), sobrang nami-miss ang crush niyang si Barak.

Naku, ingat ka Oprah at baka multuhin ka ng kaluluwa ng misis ni Barak na si Marikit (Wally Bayola)!

Direk Chris Martinez, ipinasilip ang fresh episode ng 'Daddy's Gurl'

Stay strong and stay safe, mga Kapuso!

Tumutok sa funny moments na ito and a whole lot more sa quarantine special ng Daddy's Gurl this coming June 13, pagkatapos ng Magpakailanman.