TV

Stacy, bakit nagseselos kay Chukoy? | Teaser Ep.

By Aedrianne Acar

Dapat abangan ang cute na bisita sa bahay ni Barak Otogan (Vic Sotto) sa Daddy's Gurl this Saturday night, June 20!

Direk Chris Martinez, buong-puso ang pasasalamat sa mga nanood ng quarantine episode ng 'Daddy's Gurl'

Makikigulo sa paboritong sitcom ng bayan ang Eat Bulaga child star na si Baeby Baste at makakasama din niya ang Kapuso versatile actress na si Glaiza de Castro.

Ano kaya ang mangyayari kapag nakita ni Stacy (Maine Mendoza) na sobrang close ng kanyang promdi daddy sa chikiting na si Chukoy (Baeby Baste)?

Mukhang nangangamoy selosan ito, mga Kapuso!

Sama-sama uli manood ng Daddy's Gurl sa Sabado ng gabi, sa bago nitong timeslot pagkatapos ng Magpakailanman.