TV

Matilda, sisingilin na ba sa kanyang kamalditahan? | Teaser

By Aedrianne Acar

Mukhang may hangganan ang katarayan ng tiyahin ni Stacy (Maine Mendoza) na si Matilda (Wally Bayola).

Sa fresh episode ng Daddy's Gurl, 'tila magpapakita ng ilang sintomas ang sister-in-law ni Barak (Vic Sotto) ng COVID-19!

Ano ang mangyayari kay Matilda kung kumpirmado na may sakit nga siya?

Magbago na kaya ang ugali nito kapag nalaman niya na isa siyang COVID-19 patient?

Siksik sa tawanan at good vibes ang new episode ng paboritong sitcom ng bayan na Daddy's Gurl!

Special guest din sa naturang episode ang celebrity mom na si Yayo Aguila na gaganap bilang si Barbara.

Sulit na naman ang Saturday night bonding with the whole family kapag nanood ng 'Daddy's Gurl' this August 22 pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).