
Pinusuan ng netizens ang bonding moments ng cast ng Daddy's Gurl sa Instagram.
Sa kabila ng nararanasan nating COVID-19 pandemic, nagawa pa rin nina Maine Mendoza, Oyo Sotto, Kevin Santos, Chamyto at Chichirita na makapag-kumustahan outside ng kanilang shoot habang tumatalima sa safety protocols.
Photo taken from Kevin Santo's Instagram account
Ipinasilip ni Kevin ang ilang eksena sa kanilang Tuesday taping na tila Christmas ang tema ng episode, dahil naka-Santa costume sina Maine Mendoza, Via Antonio at Kevin.
Sa mga sumunod na post ng StarStruck finalist ay ipinakita nito na kumain sila sa isang restaurant.
May nakakatawang hirit pa si Kevin tungkol sa kasamahan nila na si Chichirita, “Hello DG Fam.. flex lang namin yung tinulungan namin palakad lakad sa labas habang iniikot ikot yung buhok. Naawa naman kami kaya pinakain na namin. Pangalan niya Chichirita!”
Tawang-tawa naman ang fans at netizens sa naging katuwaan ng mga bida ng sitcom na pinapakita kung gaano ka-close ang mga ito sa isa't-isa.
INSET: DG 1-3
IAT: Photos taken from the comment section of Kevin Santos's Instagram account
Palaging tumutok sa Daddy's Gurl tuwing Sabado sa oras na 9:30 p.m., after #MPK hosted by Mel Tiangco.
Related content:
Direk Chris Martinez and Ina Feleo comment on viral 'Daddy's Gurl' scene
Kevin Santos, tuloy ang taping matapos magnegatibo sa COVID-19
Barak, sasabak sa online selling