TV

WATCH: 7 most viewed 'Daddy's Gurl' videos of 2020

By Aedrianne Acar

Naging mahirap man ang ating pinagdaanan dahil sa COVID-19 pandemic, walang sawa tayong pinatawa ng tandem nina Bossing Vic Sotto at Phenomenal Star Maine Mendoza sa Daddy's Gurl tuwing Sabado ng gabi.

Natigil man ang kanilang taping noong Marso dahil sa paglala ng kaso ng COVID-19, sinigurado ng buong team sa pangunguna ng kanilang direktor na si Chris Martinez na makapaghatid muli ng all-new episodes para sa kanilang loyal viewers pagdating ng buwan ng Hunyo.

At bago matapos ang 2020, inisa-isa namin ang most viewed videos ng high-rating Kapuso sitcom!

Sino sa mga dating celebrity guests na sina Pauleen Luna, Herlene “Hipon Girl” Budol, Kristine Hermosa, at Ryzza Mae Dizon ang tampok sa pinak-patok na video ng Daddy's Gurl ngayong taon?

YouTube stats as of December 8, 2020

1. Ala eh, Josefina!

2. Sayaw para makaiwas sa coronavirus

3. Lance, binasted si Fiona?!

4. Ang babaeng naligaw sa condo ni Barak

5. Tirador ng pagkain ni Barak

6. Tamang hinala ni Stacy

7. Ang pekeng anak ni Stacy

Kaya kung hanap n'yo ang unli-good vibes, patuloy na samahan sina Barak at Stacy sa mga kulit adventure nila sa Daddy's Gurl this coming 2021!

Vico Sotto, siningil ang 'Daddy's Gurl' production nang mag-taping sa Pasig City

Director Chris Martinez gets starstruck meeting Mayor Vico Sotto