
Bumuhos ang excitement ng mga Kapuso at fans ni Phenomenal star Maine Mendoza matapos kumpirmahin sa 24 Oras na special guest sa Daddy's Gurl ang kanyang boyfriend na si Arjo Atayde sa darating na March 6.
Tiyak extra special ang susunod na Linggo ni Maine, dahil bukod sa paglabas ni Arjo sa kanyang sitcom ay magdiriwang siya ng 26th birthday sa March 3.
Tuwang-tuwa rin ang director ng Daddy's Gurl na si Chris Martinez na trending agad sa Twitter ang kanilang show kagabi, matapos ang big revelation.
Sa panayam sa 24 Oras kay Arjo, tuwang-tuwa ito na nakatrabaho niya ang kanyang girlfriend.
“I'm very happy that I got to work with her again and again it's on her birthday, so it's extra special to me. And building memories with her. So this is all the memories we are building [together] and I'm very happy. Hindi ko ma-explain Sir Nelson talagang yeah! Parang finally I got to work with her.”
Samantala, ibinuko naman ni Maine Mendoza si Arjo na kinabahan daw ito sa taping nila sa Daddy's Gurl.
Kuwento ni Maine kay Nelson Canlas, “Nakakatawa kasi nag-uusap kami and sinsasabi niya sa akin na medyo kinakabahan siya, tapos sabi ko, 'ano ka ba kayang-kaya mo yan,' ganyan. Na-deliver naman… best actor [smiles].”
Sunod-sunod din ang positive comments mula sa fans ng show na hindi na makapaghintay sa March 6 episode.
As your fan @mainedcm I'm happy for you, for both of you 🌸 as I tweeted all the time sarap ma in love at mahalin ng lubos, masakit din masaktan but it's part of love, just be happy always Maine🌸
-- maura david (@mauidvd) February 25, 2021
Sooo excited n happy for my bbgurl @mainedcm🤩 sana march6 na bukas..❤❤❤
-- Mengivina Mendoza (@MengivinaMendo1) February 25, 2021
Maine Mendoza 26in6Days#MaineMendoza😍
Most definitely will watch #DADDYSGURL March 6 episode @mainedcm @AtaydeArjo
-- Gloria Cabatu (@CabatuGloria) February 25, 2021
100% support for my love! 💛 #MaineMendoza
-- ᴘʜᴇɴᴏᴍᴇɴᴀʟ sᴛᴀʀ (@menggalurks) February 25, 2021
Watch Maine's #DaddysGurl birthday episode this March 06! 😍 pic.twitter.com/lsbXAhEMqN
What!!!? So excited 😁 can't wait!!.. I'll be watching from Vegas
-- Josephine (@Josephi03849203) February 25, 2021
Woahhh teka lang naman aabangan ko toh! 😍
-- GEE (@mgerrylen) February 25, 2021
Unang nagkakilala si Maine at Arjo nang ginagawa nila ang 2018 Metro Manila Film Festival entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.
At nito lamang December 2020, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang second anniversary together.
Bukod kina Maine Mendoza at Arjo Atayde, sinu-sino pa ang mga celebrity couple na mula sa magkaibang TV network?
Alamin sa gallery below.
Related content:
LOOK: Maine Mendoza and Arjo Atayde are a lovely pair at her brother's wedding