TV

Daddy's Gurl: Ex ni Barak si Cherie Hills?

By Aedrianne Acar

Time out muna sa intense drama ang highly-respected TV and movie star na si Miss Cherie Gil, dahil patatawanin naman niya kayo this time sa Daddy's Gurl!

Special guest nina Bossing Vic Sotto at Phenomenal star Maine Mendoza sa May 8 ang premyadong aktres na gaganap bilang si Cherie Hills.

Manumbalik kaya ang pagtitinginan ng Tatang Barak ni Stacy (Maine Mendoza) at si Cherie Hills na dating magkarelasyon?

Siya na ba ang new mommy ni Visitacion?

Huwag papahuli sa pak na pak na guesting ng one and only Miss Cherie Gil sa nangungunang sitcom sa puso n'yo na Daddy's Gurl this May 8, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa Sabado Star Power sa gabi!