TV

Daddy's Gurl: Barak, magiging game show master?

By Aedrianne Acar

Todo ang tawanan at ibibigay na good vibes ng Team Bahay at Team Condo sa Daddy's Gurl dahil sa darating na Sabado ng gabi ay ipapalabas na ang 100th episode ng patok na sitcom!

At extra special ang kuwento na mapapanood dahil mag-aala “game show master” si Barak (Vic Sotto).

Magwagi kaya ang Team Office with Stacy (Maine Mendoza), or ang Team Condo led by Matilda (Wally Bayola) ang mananalo?

Tutukan ang engrandeng 100th episode ng nangungunang sitcom sa puso n'yo na Daddy's Gurl this May 15, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa Sabado Star Power sa gabi!