GMA Logo Daddys Gurl November 5 episode
Source: GMA Network
What's on TV

Daddy's Gurl: Ang pagsabotahe sa bagong promote na si Stacy

By Aedrianne Acar
Published November 2, 2022 5:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Illegal turning, unattended illegal parking among top 5 traffic violations in 2025
Pagtulong ng GMAKF sa mga nilindol sa Caraga, nagpatuloy sa kabila ng panibagong pagyanig | 24 Oras
P22,000 cash, laptop lost to burglar in Iloilo City

Article Inside Page


Showbiz News

Daddys Gurl November 5 episode


Abangan ang pagbisita nina Derrick Monasterio at Bea Binene ngayong Sabado ng gabi (November 5) sa 'Daddy's Gurl.'

Pak na pak ang career ni Stacy (Maine Mendoza) sa Iconic Media Office matapos siyang i-promote ni Sir Lance (Oyo Sotto) bilang pinakabagong Advertising Head.

Idagdag mo pa na blooming ang love life ng unica hija ni Barak (Vic Sotto), dahil aakyat na ng ligaw si Pantaleon (Derrick Monasterio)!

Pero tila may maiinggit sa magandang takbo ng buhay ni Stacy. Ito ang bagong OIC sa office na si Aiza (Bea Binene).

Sumablay kaya sa bago niyang trabaho si Stacy lalo na't plano siyang i-sabotahe ni Aiza na ex-girlfriend pala ni Pantaleon?

Daddy s Gurl episode on Nov 5

Handa kaya si Stacy sa matinding pagseselos ng dating jowa ni Pantaleon?

Yayain ang lahat na tumutok sa Daddy's Gurl this Saturday night with their special guests Bea Binene and Derrick Monasterio, ngayong November 5 pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).

HETO ANG PASILIP SA GUESTING NG DERBEA SA GALLERY BELOW: