TV

Daddy's Gurl: Barak, mapasagot kaya ni Celia?

By Aedrianne Acar

Mami-meet na ba ni Stacy (Maine Mendoza) ang bago niyang mommy this Saturday night sa Daddy's Gurl?

Iba talaga ang karisma ng tatay ni Stacy, dahil isang dating schoolmate ni Barak ang dadalaw sa kaniya this week. At take note, aakyat ito ng ligaw!

Mukhang determinado itong si Celia (Shamaine Buencamino) na maging husband si Barak (Vic Sotto), lalo na at ito ay byudo na.

Ano kayang gawin ni Celia para kay Barak?

Ready na kayo ang ating Batangueño dad to try love for the second time around?

Samantala, pinagdududahan naman nina Lance (Oyo Sotto) at Chamyto ang isang customer na ang pangalan ay Emil (Nico Antonio).

Kung ano-ano kasi ang sinabi niyang propesyon, kaya naman feel ng dalawa na peke ito at wala naman talagang pera.

Ano kaya ang tunay na pagkatao nitong si Emil?

Non-stop ang tawanan sa Daddy's Gurl ngayong November 12 with our special guests Shamaine Buencamino and Nico Antonio, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).

KILALANIN ANG MGA NAGUGUWAPUHANG LALAKI NA NAGPAKILIG KAY STACY OTOGAN SA GALLERY NA ITO: