TV

Daddy's Gurl: President Stacy, kailangan ng Chinese tutor

By Aedrianne Acar

Going global na talaga ang Starbarak's!

At mukhang kailangan na mag-ready ni President Stacy Otogan (Maine Mendoza) para sa next phase ng expansion nila this Saturday night sa Daddy's Gurl.

Dahil sa dami ng clients na gusto mag-franchise ng coffee business ng mga Otogan, kahit sa China, naisip na ni Stacy maghanap ng Chinese tutor.

Matulungan kaya si President Stacy na humusay sa Mandarin sa tulong ng kaniyang teacher?

At itong si Matilda (Wally Bayola), magugustuhan ang bisita ni Barak (Vic Sotto) na si Ken (Nikki Co).

Matipuhan kaya ng chinito hunk ang tiyahin ni Stacy ?

Mas masaya ang weekend ngayong December kapag tumutok sa kuwelang episode ng Daddy's Gurl ngayong December 3 with our special guests Inah Evans and Sparkle hunk Nikki Co, pagkatapos yan ng #MPK (Magpakailanman).

CHECK OUT THE HOTTEST PHOTOS OF NIKKI CO HERE: