TV

Daddy's Gurl: Matilda, ipapakilala ang kanyang 'baby' ngayong 2023

By Aedrianne Acar

Cougar mode is on sa all-new episode ng Daddy's Gurl ngayong 2023!

Hindi papatalo si Matilda (Wally Bayola) sa sweet relationship nina Stacy (Maine Mendoza) at Yasser (Yasser Marta), dahil ipapakilala niya ang bata niyang “love” na si Kokoy (Miggs Cuaderno).

Source: GMA Network

Magugulat ang lahat, lalo na si Visitacio,n sa laki ng age gap ng dalawa.

Totoo kaya na tunay ang pagmamahalan ng dalawa? At ano ang mangyayari kapag tumutol ang anak ni Barak (Vic Sotto) sa relasyon nina Matilda at ng kanyang baby boy?

Piliin ang good vibes sa Bagong Taon! Kaya tumutok sa kulit episode ng Daddy's Gurl, after ng #MPK (Magpakailanman) sa oras na 9:15 p.m. ngayong January 7.

MORE BTS PHOTOS FOR THE JANUARY 7 EPISODE: