TV

Daddy's Gurl: Jem, kailangan magpanggap sa harap ni Kuya Jude

By Aedrianne Acar

Kailangan magpanggap ni Jem (Jem Manicad) sa all-new episode ng Daddy's Gurl ngayong January 14.

Magfe-feeling “barako” si Jem, dahil darating ang Kuya Jude (Boobay) niya sa mansyon ng mga Otogan.

Hindi kasi nito alam ang kaniyang sexual orientation.

Magawa kaya ni Jem na itago ang kaniyang lihim?

Sulit ang pahinga ngayong Sabado ng gabi dahil sa all-out tawanan sa Daddy's Gurl!

Bukod kay Boobay, makikisaya rin this week si Sparkle actress Althea Ablan. Tumutok sa high-rating sitcom nina Bossing Vic Sotto at Phenomenal star Maine Mendoza, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa oras na 9:15 p.m. ngayong January 14.

PANOORIN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS PARA SA JANUARY 14 EPISODE SA GALLERY NA ITO: