TV

Daddy's Gurl: Ingat sa mga Chinito cutie

By Aedrianne Acar

Huwag papalinlang basta-basta sa pogi vibes at sex appeal ng mga Chinito guys, dahil baka may dala silang malas tulad ng makikilala ng pamilya Otogan sa Daddy's Gurl.

May bagong barista sa Starbarak's na si Kimson (Kimson Tan) na ubod ng guwapo at kapatid naman niya si Dustin (Dustin Yu) na business partner diumano ni Tiyang Matilda (Wally Bayola).

Habang tumatagal at nakakasama ni Stacy (Maine Mendoza) ang dalawa, hindi nito maiwasan magduda sa mga ito.

Tama kaya ang kutob ng anak ni Barak (Vic Sotto) sa mga Chinito hunks?

Alamin ang mangyayari sa all-new episode ng Daddy's Gurl, after ng #MPK (Magpakailanman) sa panalong Sabado Star Power sa gabi!

MEET THESE TALENTED CHINITO HEARTTHROBS IN THIS GALLERY: