TV

Daddy's Gurl: Bakit may naka-topless sa baby shower ni Jingle?

By Aedrianne Acar

Ready to pop na si Jingle (Via Antonio), kaya naman ang mga kaibigan niya naghahanda ng isang baby shower sa kaniya sa episode ng Daddy's Gurl this coming March 5.

Inutos ni Stacy (Maine Mendoza) kay Chamyto na planuhin ang isang sweet baby shower para sa kanilang kaibigan.

'Yun nga lang, mali ang intindi nito at ang na-organize niya ay isang bridal shower at nag-hire pa siya ng hunks for the event.

Maisalba pa kaya nila Visitacion ang baby shower ni Mommy Jingle?

Exciting ang mangyayari sa all-new episode ng Daddy's Gurl this weekend, dahil makakasama rin natin ang actress-model na si Wilma Doesnt.

Tutukan ang umaatikabong tawanan na ito sa March 4, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa oras na 9:15 p.m.

KILALANIN ANG MGA LALAKING NA NAGPAKILIG KAY STACY SA DADDY'S GURL DITO: