TV

Daddy's Gurl: Jingle is ready to pop!

By Aedrianne Acar

A new baby is coming sa upcoming episode ng Daddy's Gurl ngayong March 18.

Ang mga kabarkada ni Stacy (Maine Mendoza) sa Starbarak's, excited na makita ang anak ng soon-to-be mom na si Jingle (Via Antonio).

'Yun nga lang si Jingle, mas stress dahil hindi emotionally at financially ready para sa responsibilidad na maging nanay.

Paano kaya siya matutulungan ng kaniyang mga kaibigan?

At ang Otogam fambam, makikilala ang kapitbahay nila na si Sharon (Matet de Leon) na isang major red flag.

Maging sanhi kaya ito ng stress nina Barak (Vic Sotto) at Matilda (Wally Bayola), lalo na at “feeling close” ito sa kanila agad?

Marami kayoNG dapat subaybayan sa all-new episode ng Daddy's Gurl dahil magbabalik sa hit sitcom sina Sparkle heartthrob Prince Carlos at versatile actress na si Matet de Leon.

Sundan ang mga exciting moment sa paboritong comedy show ng bayan sa oras na 9:15 p.m., pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman), ngayong March 18!

KILALANIN ANG ATING SPECIAL GUEST NA SI MATET DE LEON DITO: