TV

Gabby Eigenmann's tutorial: How to be 'Dading'

By AL KENDRICK NOGUERA

Hindi lahat ng gay characters na napapanood ninyo sa TV ay pareho-pareho ang paraan ng pag-arte. Kumbaga, may iba't-ibang levels ng mga atake ang bawat artista depende sa pagka-bading ng kanilang roles.

Marami ang klase ng gay people. Mayroong mga 'Paminta' o 'yung mga closeted gay na ayaw ipaalam sa publiko na sila ay bading. Mayroon namang super proud na gay sila kaya't paminsan ay nagdadamit pambabae na sila.

Mayroon din namang nasa gitna lang ng dalawang klase ng gay people na nabanggit tulad ng character ni Gabby Eigenmann sa Dading. Sila 'yung umaamin naman na bading pero hindi naman nila ipinapangalandakan.

Panoorin ang tutorial ni Gabby kung paano gawin ng tama ang character niyang si Carding sa exclusive video na ito.