TV

EXCLUSIVE: Winwyn Marquez, kinabahan sa kaniyang role sa 'Dahil Sa Pag-Ibig'

By Cara Emmeline Garcia

Malapit nang mapanood ang bagong Kapuso Afternoon Prime series na Dahil Sa Pag-ibig.

Winwyn Marquez

Sa naganap na media conference noong Miyerkules, May 15, present si Winwyn Marquez na gumaganap bilang si Portia, isang OFW at asawa ng isang Arabo na mapapatay ni Eldon (Benjamin Alves).

Kuwento ng former beauty queen sa GMANetwork.com, kinabahan siya sa kaniyang bagong role lalo na't tampok sa serye ang kultura ng ibang bansa.

“Medyo kinabahan ako, to be honest.

“Kaya napa-research ako. That I can confidently say. Kasi iba 'yung culture nila dun, 'di ba?

“Whenever I would do a scene I always ask the production if it's okay to do this or do that. They said naman na it's okay. Basta ako, as long as hindi sila mao-offend.”

Dagdag pa ng Kapuso actress, siya pa mismo ang nagsabi sa production crew na i-research muna nang mabuti ang kaniyang gagampanang role para mas maging kabilib-bilib ang serye.

“I really asked if it's possible na 'wag maka-offend ng ibang culture. Kasi siyempre iba 'yun eh and alam ko kung gaano kahigpit sila.

“So I trust naman the production crew and I don't think they would do something that can harm me and 'yung character na pino-portray ko.”

Sa bigat ng mga eksena sa upcoming serye, paano kaya ginagawang light ng cast and crew ang set ng Dahil Sa Pag-ibig?

Pahayag ni Winwyn, “After every scene, nag-uusap kami.

“Parang, 'Okay ka lang ba?,' 'May nagawa ba ako sa iyo na 'di komportable?'

“Tapos si Ben [Alves] biglang bibili ng donut o kaya kape kahit alam niyang lahat kami nagda-diet. Basta iba kami. Kung ano 'yung napapanood niyo sa TV compared to real life, we're very different.”

EXCLUSIVE: Benjamin Alves, pinaghandaan ang mga intense scene sa 'Dahil Sa Pag-ibig'

IN PHOTOS: The star-studded 'Dahil Sa Pag-Ibig' mediacon