TV

LOOK: Jak Roberto, inabangan ang mainit na eksena nina Sanya Lopez at Pancho Magno sa 'Dahil Sa Pag-Ibig'

By Cara Emmeline Garcia

Napanood na ni Kara Mia star Jak Roberto ang intimate scene nina Sanya Lopez at Pancho Magno sa afternoon drama series na Dahil Sa Pag-ibig.

Sa kaniyang Instagram story, nagbigay ng live reaction si Jak habang pinapanood ang serye.

Bago pa magsimula, napatanong ang Pambansang Abs, “Bakit kaya SPG?”

Ang SPG o Strong Parental Guidance (Striktong Patnubay at Gabay) ay isa sa mga rating na ibinibigay ng Movie Television Radion and Classification Board (MTRCB) para magabayan ng mga magulang ang kanilang anak sa panonood ng telebisyon.

Habang pinapanood niya ito, samu't sari ang reaksyon ni Jak na maihahalintulad na lamang niya sa mga emojis.

Isa na dito ang thinking emoji na may kasabay na caption na, “Hmmp,” nang ipinakita ang pagsuot ni Sanya ng red lingerie.

Nang matapos ang episode, isa lang masasabi ni Jak.

Aniya, “Nasaan na ang pamalo ko?” na sinamahan pa ng tatlong angry emojis.

WATCH: Sanya Lopez, inaasanhang magre-react si Jak Roberto sa intimate scenes sa 'Dahil Sa Pag-ibig'