TV

WATCH: Pinakamatinding sampalan sa telebisyon, mapapanood sa 'Dahil Sa Pag-Ibig!'

By Felix Ilaya

Marami nang sumusubaybay sa painit nang painit na kuwento ng Dahil Sa Pag-Ibig!

Ngayong Martes (July 16), mapapanood ang kumprontasyon nina Mariel (Sanya Lopez) at Eldon (Benjamin Alves) na mauuwi sa matinding sampalan nang malaman ni Mariel ang buong katotohanan sa mga kalokohang ginawa ng kanyang asawa.

Tunghayan ang pinakamatinding sampalan ng taon sa Dahil Sa Pag-Ibig, mamaya na on GMA Afternoon Prime.