TV

WATCH: Kumusta si Benjamin Alves matapos ang mga sampal ni Sanya Lopez sa 'Dahil Sa Pag-Ibig?'

Marami ang humanga sa pagganap nina Sanya Lopez at Benjamin Alves bilang Mariel at Eldon sa GMA Afternoon Prime series na Dahil Sa Pag-Ibig.

Benjamin Alves at Sanya Lopez

WATCH: Benjamin Alves, nakatanggap ng 22 sampal at hampas mula kay Sanya Lopez sa 'Dahil Sa Pag-Ibig!'

Sa July 16 episode ng Dahil Sa Pag-Ibig, napanood na ang intense confrontation scene ng mag-asawang sina Mariel at Eldon. Natuklasan na ni Mariel ang lahat ng kasalanan ni Eldon sa kanya at dahil dito sinampal at hinampas ni Sanya si Ben ng 22 beses sa eksena.

Nag-post naman si Ben sa Instagram ng behind-the-scenes video na kuha mula sa kanilang set pagkatapos ng eksenang ito. Sa video na in-upload ni Ben, mapapanood siyang pinapahiran ng yelo ang namumulang mukha habang alalang-alala si Sanya.


Ayon sa exclusive interview ng GMA Network kay Ben, wala naman daw hard feelings pagkatapos ng eksena nila ni Sanya.

Aniya, "[After the scene] I told Sanya I love her and that she was amazing. And then ice, lots of ice. We all got to watch the playback together."

Para raw sa confrontation scene na ito, nag-prepare daw sina Ben at Sanya for 10 weeks. Bago sila sumalang sa camera, may iniwan pang words of encouragement si Ben para sa kanyang co-star.

Wika ng aktor, "I told Sanya, just let it all go, if you feel an impulse to slap me after the initial barrage of slaps, do it, don't hold back, I'm here for you. I think she was able to show Mariel's pain so well.

"We are also very spoiled by our director, Direk Ricky (Davao), his guidance in plotting out a scene make us actors feel it out naturally."

Fortunately for Ben, nagawa nila ang lahat ng ito all in one take kaya't hindi na nadagdagan pa ang mga sampal sa kanya ni Sanya.

Masayang-masaya naman siya sa kinalabasan ng kanilang eksena at malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng mga nanood at sumusubaybay sa Dahil Sa Pag-Ibig.

Ani Ben, "I'm thankful that everyone has gone through this journey with us. And that I hope we continue to provide them with a rollercoaster of emotions and a story that they'll always enjoy and be affected by. Salamat po, mga Kapuso."

Muling balikan ang ganti ni Mariel kay Eldon sa video ng Dahil Sa Pag-Ibig below: