TV

READ: Cast ng 'Dahil Sa Pag-Ibig,' nagpaabot ng pasasalamat sa mga masugid na manonood

By Felix Ilaya

Nagtapos na ang kuwento ng Dahil Sa Pag-Ibig ngayong Biyernes, October 4.

Sanya Lopez at Winwyn Marquez

Sa pagwawakas ng kanilang serye, nagpaabot ng mensahe sina Sanya Lopez, Benjamin Alves, Winwyn Marquez, at Pancho Magno para sa mga masugid na manonood nito.

Basahin ang kanilang mensahe below:

"Taos puso po kaming nagpapasalamat sa inyo, Kapuso, sa pagsubaybay at pag-Tweet ng 'Dahil sa Pag-ibig' mula umpisa hanggang sa huling Linggo ng DSP." - Sanya Lopez

"Thank you for all the support! Sana naka-relate kayo sa isa o lahat sa characters ng DSP. It's been a great and memorable journey. Until next time! Eldon, signing off!" - Benjamin Alves

"Salamat sa pag suporta sa 'Dahil Sa Pag-Ibig' lalo na kay Portia na kinaiinisan n'yo. Maraming maraming salamat." - Winwyn Marquez

"I just wanna say thank you and love you from the bottom of my heart." - Pancho Magno

Kahit nagwakas na ang Dahil Sa Pag-Ibig, masaya naman sina Sanya, Ben, Winwyn, at Pancho na naging matibay ang kanilang pagsasamahan. Sa katotohanan nga ay parang pamilya na ang turing nila sa isa't isa.

Maraming salamat sa pagsubaybay sa kuwento ng Dahil Sa Pag-Ibig, mga Kapuso!