TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: The missing Mommy Belle

By Aedrianne Acar

May malaking problema si Sonny (Betong Sumaya) at mga anak nito na sina Dennis (Seth dela Cruz) at Kiko (Raphael Landicho) sa pagpapatuloy ng kuwento ng “InvisiBelle” sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Takang-taka ang mag-aama, kung saan nagpunta si Belle (Glaiza De Castro) pero lingid sa kanilang kaalaman AY ginawa siyang invisible ng dwarf na si Tingting (Melbelline Caluag), para turuan sila ng leksyon.

Nakikita ng duwende kung paano i-trato si Belle ng kaniyang pamilya na binabalewala at hindi pinapakinggan.

May paraan pa kaya para bumalik sa dating katawan niya si Mommy Belle?

Paano kaya niya aalagaan ang kaniyang asawa at mga anak kung siya ay invisible?

Sundan ang mangyayari sa kuwento na ito na handog ng weekly-magical anthology na magtuturo sa atin na pahalagahan ang ating mga nanay!

Sundang ang finale ng “InvsiBelle” sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Mother's Day, May 14, bago ang Happy ToGetHer.

BALIKAN ANG ILAN SA MEMORABLE ROLES NI GLAIZA DE CASTRO RITO: